Monday, September 7, 2009

WIKANG FILIPINO mula BALER hanggang sa BUONG BANSA

Alam nating lahat na si MANUEL L. QUEZON ang AMA NG WIKANG FILIPINO.Tuwing Buwan ng Agosto ipinagdidiriwang natin ang BUWAN NG WIKA.Si MANUEL QUEZON ay mula sa BALER.At alam nating lahat na siya ay tubong PILIPINO.
Kailingan nating gamitin ang WIKANG FILIPINO dahil ito nagiging IDENTIDAD ng bawat PILIPINO.Marami sa atin ang nagpupunta sa ibang bansa,pero 'pag bumabalik hindi na sila marunong gumamit nito.Gamitin natin sana ito para mapanatili ang pagsasamahan at mas lalong magkakaintindihan ang bawat PILIPINO.
Ipagmalaki natin sana ito para hindi maging kahiya-hiya sa iba.Malaki ang naitutulong nito sa atin dahil dito na tayo naging komportable sa pakikipag-usap.Sabi nga ni RIZAL "ang hindi marunong magmahal ng sa sariling WIKA ay higit pa sa amoy ng mabahong isda".Maging daan sana ito para tangkilikin natin ang sariling atin.

No comments:

Post a Comment